hOpeLesS rOmantIc

Hi whattup... I am bench.. your ordinary fella with an extraordinary life.. Hey.. If I am to maintain this blogspot id.. Imma be proud of myself.. my other webdiary is in www.xanga.com/trance_2019.. :)

My Photo
Name:
Location: Bacoor, Cavite, Philippines

Wednesday, December 20, 2006

The Term That Was

Hindi ako makapaniwala na tapos na rin FINALLY ang term na 'to.. But my journey towards a new life has just begun... Brand new start... Brand new life.. Siguro let me just put it in a way that I am reverting back to my old self who is just super workaholic.. Who cares too much about the world he is in... Siguro mas maganda un.. Kasi when Bench did not care bout all the 'boring important things' he never was seen as someone who enjoyed what he had.. especially.. ok stop it na.. hehe.. But now.. Bench thinks he should care about them.. Prioritize to what is really important.. Never give up.. Never get tired.. He has still but a long way to go...

Anyways brief recap lang ng mga nangyari ngaung term: (For me)

ACADEMICS

I started out with a 4.000 gpa.. and really became complacent about it.. Ever since I got that gpa.. all eyes were on me na sa class room.. I can't help but feel like I am being monitored.. That's why I never slacked off.. Until two BIG incidents changed it all..

Anyways.. Mya na ung first incident.. The second incident was brought about by the enemy of all this term... Cheating.. Ayoko na magpaliwanang sa lahat ng tao na di ko kailangan magcheat sa ChEnOr1 at CETherm kasi tutal.. tapos na ang term.. But the incidents in itself gave me emotional tortures.. I felt like everytime I am walking.. i have a sign taped on my back that says: 'I am a CRIMINAL'.. Wtf.. but then again as I have said.. The term is over... May mga bitter pa rin dahil 3.0 ako sa ChEnOr1 at CETherm dahil naniniwala sila na cheatingero ako.. oh well... papel...

I also experienced my first failures in quizzes as far as my LaSallian Life is concerned... First was in ElecOne.. where I managed to get a 4.0 pa... and the other one was in QuanMet... Madali lang sya technically if i just put my heart in it.. But i did not because I don't have it anymore... My spirit was lost after all the adversaries have shrouded my petty career as an excellent student of Chemical Engineering. Ayan tuloy.. the freakin subject gave me my first 2.5... Indi na ako 3+ guy... I have a 2.5 na and it sucks.. (pasenxa na if I am bitter about it.. alam ko other people are being rubbed off the wrong way by this comment but I hope they understand my dreams and aspirations in life... Kanya kanya lang yan..)

Anyways.. indi na mababalik lahat.. dahil tapos na.. Ang mahalaga.. indi ko hinayaan na tapak-tapakan basta basta ako ng mga taong natutuwa everytime I fall.. Alam nila whoever they are.. and I think they deserve a round of applause the last term cos they did really well.. Hahahaha!! But then again.. tapos na ang term... We all got what we deserve.. Di lang naman ako ang malungkot ngaung term eh.. pati ung bestfriend ko.. di ko na sasabhin kung bakit..

Basta ako ngaun magpapasalamat kay God dahil umabot ako sa First Honors Dean's List pa rin.. and I am still a regular..

TGPA: 3.417
CGPA: 3.750

LOVE LIFE

Hay naku euan ko ba kung bakit ko pa sinusulat ito.. basta... Ito kc yung first incident na I was pertaining to awhile ago.. This freaking concept of love has disoriented me.. In the most beautiful way I can't imagine.. What bothers me lang naman... What makes me say na masama ang loob ko ay dahil wala naman akong ginawa para ipaalam sa kanya yung nararamdaman ko.. Ako na nga yung lumayo tapos ako pa yung lumalabas na masama.. Moreso.. wala naman akong hiningi na something in return.. bakit ako ginaganito..? Bahala sya.. panget!

Masama rin pala yung magmahal ka ng sobra.. as in sobra sobra.. Lalo na kung sa simula't sapul... alam mo na walang patutunguhan.. Ngayon.. I am searching for my soul.. for my heart kasi they took it away from me... at di ko alam kung saan nya iniwan.. But I am slowly moving on for the better.. para sakin.. sa kanya.. sa lahat... Masaya na naman eh.. tama na un...:)

I have entertained other people.. pero no one would match the days we spent together.. siguro ang gusto ko lang sabhin sa kanya ganito.. and I pseudo-quote form Sweet November:
The reason I wanted to go away is because of the fact that what you will remember from then on would be the sweetest memories that we had.. If I know I am remembered that way.. I can face almost anything...

Sadly.. hindi ganun ung perception nya.. Kasi clueless naman sya all the while.. Isa lang masasabi ko.. Mahirap.. lalo na kung binago ng taong yon ung buhay mo as in 720 degrees pa.. tsk tsk... Pahinga muna yung heart ko.. may mga things pa akong mas kailangang iprioritize kaysa dun.. bahala sya bahala ako.. ang masaya.. may memories ako na maitatago.. kahit hanggang ten years or forever.. masasabi ko na mahal ko pa rin sya...

FRIENDSHIPS

Andaming life altering experiences in terms of friendships.. Una.. I strengthe my bonds with Jp and the rest of the girls in my life dahil sa isang concept na sa kanila ko lang naishare ever.. hehe.. At least I have frinds to keep for the rest of my life... May nawala rin akong kaibigan.. Pero di ko akalain na mapupunan din naman pala sa dulo ng term...

Natanggap ako sa LAmb and I am rebuilding myself there.. found great friends there whom I will trust na rin siguro in the long run.. good thing I found an outlet where I can be super workaholic sana... I am gonna do mny best tlga to keep my friends there in tact.. I mean family..:) In fairness ang saya ng Xmas party ha..

Ayun.. alam ko naman marami pa rin ang nagmamahal sa akin.. kaya naman blessed pa rin ako.. Nadagdagan pa nga kasi andtio na sina Kennevy, Bebe, at shempre andto pa rin si Ces... Inuman buddies.. and friendships for life.. Naging close din kami ni sis Jamie..:P na ayaw pa rin paaway sa pagtawag sa akin ng Benj:)


Pasko na naman.. di pa ako nakakabili ng mga regalo para sa iba.. hehehe.. Malamig pa rin ang pasko.. siguro dahil sa AC hehehe:) basta.. magyoyoga at magpapataba ako.. ung latter muna.. as for my New Year's Resolution... Next time ko ipopost.. Basta.. isa doon ang indi na pagyoyosi.. Sana.. hahaha:)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home