Nang Tumigil ang Pag-inog ng aking Mundo
Wakas na naman.
Isa ito sa pinakaemosyonal na linggong napagdaanan ko sa tinatawag nating buhay. Maraming nangyari. Maraming nawala.. Kahit wala naman pumalit. Marami ang nasira. Kahit wala namang kapalit sa buhay ko upang maging maayos. Heto ako... tinatanggap ang bawat dagok na nangyari sa buhay ko. Bakit? dahil yon ang hiniling ko... dahil iyon marahil ang ginusto ko. Mabait si God. Binigay nya kaagad sa akin.
Kahit sa loob ko.. may pag-aalinlangan. Ngunit huli na ang lahat. Sana nasagot ko na lang yung mga tanong nya. Sana hindi ko na lang piniling manahimik. Pareho lang pala ang mangyayari. Mawawala rin pala sya sa'kin. Sana binigyan ko na lang sya ng rason para mawala. Alam kong hindi nya kailanman maiintindihan ang lahat lahat. Kahit ako. Hindi ko rin mawari ang mga nangyari. Pero heto ako naiwan. Habang iniisip ko kung gaano akong nahulog sa patibong na animoy kumukubli sa bawat hanging mahihinga ko pa.
Gayunpaman, wala na rin akong magagawa. Wala na sya. Hindi na maibabalik pa ang lahat ng mga sandaling tanging inasam ko. Nawa'y maunawaan nya na kahit kailan hindi ako humingi ng pagmamahal. Sana maisip nya na naging totoo ako sa lahat ng mga bagay na umiikot sa aming dalawa. Sana.. sana... sana...
Sinabi ko sa sarili ko...
Kakalimutan na kita...
Pinilit ko.. Masakit.
Sinubukan ko.. Mahirap.
Ano'ng gagawin ko?
Magtago?!
Tumakbo?!
Saan?!
Maliit lang ang mundo ko...
Umiikot pa sa'yo...
Salamat sa leksyong pinilit kong matutunan dahil sa'yo. Ikaw ang una at huli na pagbibigyan ko ng ganitong damdamin... Sa mga susunod... Balik na sa normal... Patawad. Patawad. Patawad
Simula na ulit.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home